Hindi mo kilala yang mga kaibigan mo. Hindi mo sila kilala simula sa pagkabata.

Friends, I can count on you, right? :(  Please remember that you can count on me.

Kakatapos lang namin mag-usap ng Nanay ko.  At, minsan nakakainis.  Nakakapagod mag-explain sa kanila ng side ko: me, my sexuality, my religious beliefs.  Pero, sa tingin ko, naintindihan naman niya ang gusto kong sabihin.  At naintindihan ko rin (finally) what kind of family member I must be.

Nakakainis yung best friend mo, ayaw makinig sayo.  Magsasabi ng problema sayo, tapos sasabihin mo kung bakit siya nagkakaganun, na nakakasama sa kanya ang ganyang klase ng buhay, ang mga kaibigan niya ay hindi nagiging mabuting impluwensya sa kanya.  Tapos hindi naman makikinig sayo.  Iiyakan ka pa.

Alam ko na kung bakit ayaw ng Nanay ko na malasing ako.  Kasi, kahit sabihin mong kaibigan mo mga kasama mo.  Kahit na alam mong safe ka sa mga kaibigan mo.  Kahit na alam mong hindi ka nila pababayaan, nandoon pa rin ang risk na kasama kapag ikaw ay nalasing.  Hindi lang sex ang tinutukoy kong risk na mangyari.  Pwedeng magkaroon ng krimen, aksidente, at iba pang bagay na hindi mo naman gagawin kung may kontrol ka sa katawan mo.  Oo, sasabihin mong alam mo pa rin naman ginagawa mo kapag lasing ka, pero, maging totoo tayo.  Kahit papaano, nawawala kahit kaunti ang inhibitions mo diba?  Medyo mas nagiging reckless ka.

Sabi ng Nanay ko, "Hindi ito tungkol sa amin, kung bakit kita pinagbabawalang uminom.  Ikaw ang inaalala namin.  Kami kasi, kahit malasing ka, safe kami dito sa bahay.  Ikaw ang nasa panganib.  Ikaw lang ang makakasigurado na ligtas ka.  Kaya huwag kang magpapatukso.  Wag kang magpapadala sa kaibigan mo.  At mas lalong huwag kang magpapadala sa sarili mo."  Kaya ayun, hindi ako nagpakalasing kagabi.  Pwede namang uminom, wag lang sobra.  Bad yun.

=====

On a lighter side, nagbake kami ng Sans Rival sa bahay nina Bamba. XD Fun fun fun!

Ang saya din maglaro habang nag-iinuman. :D

I miss this feeling. I'm so groggy. :D :D :D -hulaan kung sino ito!

Currently feeling: hopeful
Posted by ajbugek on March 8, 2010 at 12:17 AM | 6 Comment(s)
Login to your account to post comment

You are not logged into your Tabulas account. Please click here to login.

Joana Ortiz (guest)

Comment posted on March 8th, 2010 at 09:26 AM
aj.. :| haaaay :| *hug* kaya natin to.

AT!!! alam ko kung sino ang nagsabi nun!! :D hahaha!
Comment posted on March 8th, 2010 at 05:28 PM
hay nako talaga. :| *hug*

gusto ko siya makita ulit na basag. siya ay isa mga taong hindi stressful kapag nalalasing. XD

Vivi (guest)

Comment posted on March 8th, 2010 at 07:07 AM
i agree with your mom tammy. :)

lahat naman ng parents nag-aalala talaga pag napapainom yung mga anak nila eh.

kailangan lang natin ipakita sa kanila na responsible tayo pag nagkakaroon ng ganung situations.

kaya di ako nagpapakita ng picture na lasing ako sa parents ko eh. :)) at nireremind nila ako laging wag magpakalasing. :p

gusto ko din ng sans rival. T.T
Comment posted on March 8th, 2010 at 05:30 PM
dapat responsable enough na hindi tayo malalasing.

sans rival. :P

melais (guest)

Comment posted on March 8th, 2010 at 12:29 AM
Tama ang iyong ina :)

Siguro naman lahat ng parents natin, ganun ang rason kaya ayaw nila tayong payagan kung minsan.

Ang pangit nga lang, nale-labelan na 'inuman' agad ang isang 'overnight.'

E gumagawa naman tayo ng acad-related. Di ba? Di ba? :((

Go lang Tammy >:D<
Comment posted on March 8th, 2010 at 05:36 PM
oo nga. kapag nasasabi naman ako ng overnight na acad related, acad stuff lang talaga ginagawa natin eh.