Wahaha..
Ngayong gabi ay napagdesisyonan kong makipagchat sa mga tao. Mostly Opal, sinimulan ko ang conversation namin with, "sasama ka ba sa opal outing?" Tapos ayun.. kung anu-ano na pinag-usapan namin.
Ang mga kausap ko ay sina Cheska, Jovi, Pabs, Garrick, Jaky, at Regi.
Sa isang punta sa talakayan namin ni Ms. Siongco, natanong ko siya, "So.. UP o AdMU?" Kaso ang sagot na niya ay "for (i=0;i++;i>-1) cheska says "shit";"
Si Jovi naman, pinagsisikapan na tapusing basahin ung "What you've been missing at Friendster."
"I dont juge the book by its cover I read it first" -aminin nating may punto siya pero.. BWAHAHAHAHA pa rin!
Si Pabs naman mukhang hindi papayagan sumama dahil siya ay taong bahay.
Isa sa mga napag-usapan namin ni Garrick ay tungkol sa mga musical. Sabi niya di raw siya ma-hook ng mga lumang musicals tulad ng West Side Story at Sound of Music. Pero sa tingin ko kaunti lang sa batch natin ang may alam talaga dun sa dalawang yun. Eto mga alam kong musicals: Rent, Avenue Q, Grease, West Side Story, Sound of Music, Wicked, Les Miserables, at Phantom. Kaso ang may soundtrack lang ako ay yung sa unang tatlo, kaya memoryado ko halos lahat. Pero memoryado ko rin naman ang mga kanta sa Sound of Music, wahahaha! Basta ayaw ko ng High School Musical. Pero ito nakakatawa, galing kay Garrick yung link. They Didn't Study.
Noong una, ang pinag-uusapan lang namin ni Jaky ay mga taong sasama sa Opal Outing. Kaso mayamaya nagdrama na siya, tungkol sa isang myembro ng Westlife na may boyfriend na ngayon. Sa madaling salita, masyadong nagpaapekto si Jaky. Wahaha. May pictures pa siyang pinakita. At nagdrama rin pala siya kayna Garrick at Jovi. May iba pa ba?
Si Regi naman, akala niya invisible siya. Eh kitang kita naman. Wahahaha.
[At napansin kong "wahaha" ang intro ko at huling statement ko.]
Currently listening to: Those Magic Changes - Grease
Currently feeling: silly